NCR mayors, pinayapagan na ang mga bata na makapunta sa outdoor areas ng malls

Unanimous na napagdesisyunan ng mga alkalde sa capital region na payagan ang mga batang may edad 5 taong gulang pataas na makapunta sa outdoor areas ng shopping malls.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, hindi lang papayagan ang mga bata na makapasok sa enclosed parts ng malls kung saan walang sapat na ventilation.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mababatid na batay sa bagong resolusyon ng Inter-Agency Task Force na nagpapahintulot sa mga bata na makalabas ng bahay, nakasaad na hindi pinapayagan ang mga bata na pumunta sa outdoor areas ng malls, pero binibigyan umano nila ng leeway ang mga local government units na irebisa ang panuntunan.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sinabi naman ni MMDA Chairman Benhur Abalos na sa resolusyon ng MMC, pinapayagan ang 50% capacity ng outdoor parks, playgrounds, at non-contact sports courts.// MHEL PACIA-TRINIDAD