Huling DQ case vs BBM, binasura

Tuluyan nang ibinasura ng Comelec First Division ang huling disqualification case laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa lack of merit.

Nakasaad sa desisyon ng Comelec First Division na si Marcos ay pasok sa kwalipikasyon na itinakda sa ilalim ng 1987 Constitution at iba pang batas.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Sinabi ng Comelec na walang merito ang isang disqualification case batay sa kabiguan ni Marcos Jr. na maghain ng income tax returns.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Nabatid na ilang mga reklamo na naunang ibinasura ng poll body ay nasa ilalim pa ngayon sa apela.
#