Solon, nais isama ang NBI sa anti agri-smuggling task-force

Naniniwala ang ilang mga mambabatas na dapat nang isama ang National Bureau of Investigation sa pagtugis sa mga nasa likod ng malakawang pagi-smuggle ng mga agricultural products sa bansa.

Nanawagan si House Committee on Ways and Means chairperson Joey Salceda sa Justice Department na atasan na ang NBI para matutukan ang ‘large-scale’ modus na ito.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Giit ng mambabatas, nadismaya siya dahil hindi nagagamit nang maayos ang resources ng gobyerno para maresolba ang kaso ng agri-smuggling, gayong malinaw na raw na ang economic sabotage na ito ay isa sa mga ‘gravest sin’ sa ating bansa.

Dapat aniya ay mapanagot na ang mga nasa likod nito para maprotektahan ang ating mga kababayang magsasaka.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ipinaliwanag din nito na mayroong dapat linawin sa hurisdiksyon pagdating sa prosekyusyon ng mga kaso.

Sa ngayon kasi, ang ahensyang naka-toka sa pag-enforce nito ay ang Bureau of Corrections.

Maliban pa rito, iginiit din ng mambabatas na mayroong mandato ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa pag-tukoy ng mga nasa likod ng agri-smuggling.
#