Hindi pa rin masasabi sa ngayon ng Philippine National Police kung mayroon nga bang kinalaman sa pulitika ang naganap na pamamaril sa Bukidnon kung saan ay bibisita sana ang presidential candidate na si Ka-Leody de Guzman.

Sa pahayag, sinabi ng PNP na nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon at pangangalap ng mga ebidensya hinggil sa kaso kaya naman hindi pa rin daw maidedeklarang pulitika ang motibo sa shooting incident.
Anila, ‘sketchy’ pa ang detalye ng pamamaril at ang tangi pa lang nilang impormasyon ay hindi raw pala na-coordinate nang maayos sa mga kinauukulan ang naturang visit gayong mayroon pang standing na kaso ang property na binisita ng presidentiable.
Dahil dito, nanawagan ang PNP sa mga kandidato na makipag-coordinate sa kanila nang sa gayon ay makatulong sila sa seguridad ng mga ito at maiwasan na ang mga ganirong uri ng kaguluhan.

Sa kabila nito, tiniyak pa rin ng PNP na magpapatuloy ang imbestigasyon at pananagutin pa rin ang nasa likod ng pamamaril.
Kung maaalala, mayroong nagpaputok ng baril habang binibisita nina de Guzman ang lider ng Manobo-Pulangiyon tribe dahil sa isyu ng land-grabbing.
Isa sa mga farmer/organizer ang nasugatan matapos matamaan ng bala.
#