CAMARINES NORTE – Pinag- iingat ng Philippine National Highway Patrol Group ang kanilang mga kabaro na na posibleng maisahan ng mga lumalapit sa police station na nagpapanggap na biktima ng Pasalo- Benta-Bawi modus.
Ayon kay PMaj Joselito Quila, Provincial Officer ng HPG sa Camarines Norte, posible kasing magamit ang kapulisan at makumbinsi ng nagpapakilalang biktima ng naturang modus gayong ito pala talaga ang salarin.
Sa ganitong modus ibinebenta ng may ari ang kaniyang sasakyan, lalagyan ng Global Positioning Satellite o GPS tracker system pero kukunin din ito pabalik mula sa buyer para ibenta na naman sa ibang tao at lagyan ng bagong GPS tracker.
Paalala ni Quila sa mga pulis na kapag may mga ganitng insidente dapat laliman pa ang imbestigasyon at validation sa reklamo.
