Ngayong sunod-sunod ang ginaganap na graduation uso na naman ang iba’t ibang pakulo tulad ng regalo.

Noong nakaraang taon na-uso ang pagbibigay o pagsasabit ng pera sa mga nagtapos, ngayong taon naman kakaibang graduation gift ang ibinibigay ng isang lalaki sa kanyang girlfriend.
Aliw ang mga netizen sa post ng Cum Laude graduate mula Midsayap, Cotabato matapos siyang regaluhan ng kanyang boyfriend ng buhay na kambing sa mismong graduation day niya.
Tinawag niya pa ang sariling, “CUM LAUDENG MAY KAMBING!”
Sa isang video naman, makikita ang panonorpresa ng boyfriend ni Camille sa kanya. Makikitang tawang tawa naman ang mga taong nakapaligid sa kanila at todo kuha pa ng video sa pagbibigay nito ng regalong kambing.
Si Camille ay nagtapos bilang cum laude noong Linggo sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies.