HPG pinaalalahanan ang publiko hinggil sa hindi otorisadong paggamit ng sticker na mayroong logo ng PNP sa kani- kanilang sasakyan.

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Provincial Highway Patrol Team ang publiko hinggil sa hindi otorisadong paggamit ng sticker na may PNP logo sa kani- kanilang sasakyan.

Kaninang umaga ay nagsagawa ng operation baklas ang HPG sa mga motorsiklong gumagamit ng sticker na mayroong logo na dati namang pinahintulutan tulad ng Full Spectrum Riders Association of the Philippines (FSRAP).

Ang FSRAP ay grupo ng mga riders na katuwang ng HPG bilang force multiplier.

Kasunod ito ng kautusan ni HPG Director Police Brigadier Gen. Rommel Francisco Marbil na hulihin ang mga pribadong sasakyan na mayroong nakadikit na PNP sticker.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay PMaj Joselito Quila, Provincial Officer ng HPG sa Camarines Norte, inihayag nito na binuo ang FSRAP ng kanilang dating Director na si PBGen Alexander Tagum bilang katuwang sa kanilang adbokasiya at nagsisilbing force multiplier.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Pero sa pagbabago ng kanilang liderato ay mayroon umanong mga bagong kautusan na ipinatupad at isa na nga dito ang pagbaklas ng HPG logo sa mga motorsiklo ng kanilang force multiplier dahil sa hindi awtorisadong paggamit.

Ayon pa kay Quila, bagamat malaking tulong sa kanila ang FSRAP ay hindi na rin ito ngayon kasama sa pagsasagawa ng checkpoint dahil sa bagong kautusan.

Gayunman, katuwang pa rin daw ang grupo sa mga outreach program ng HPG na nakakatulong sa mga tao.

“Dun kasi sa sticker ng FSRAP authorize siya yung na sa harapan, yung FSRAP sticker, pero may kakambal yun na hotline, dun sa hotline makikita mo dun meron siyang logo siyempre dapat tanggalin yun,” ani Quila.

Sabi ko nga i- cut na lang maiwan yung hotline kasi force multiplier yan eh, nakakatulong sa atin yan pero siyempre dahil nga may logo pinatanggal ko.”

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon pa kay Quila posibleng maharap sa kasong usurpation of authority ang sinumang indibidwal na gumagamit ng PNP logo mapa 4- wheel vehicle man at maging motorsiklo.

Ginagawa rin ito upang maiwasan ang pang- aabuso na nangyayari lalo na sa malalaking lungsod tulad ng Maynila.

“Basta po hindi sila authorized na magkaroon noon ay bawal po lalong- lalo yung mga PNP logo kasi dun sa ating Executive Order 279, yun nga yung pwede silang kasuhan dun yung usurpation kaugnay din po yan niyan,  although ang Director kumbaga diniinan niya ng mas matinding diin, marami na ho kaming nahuhuli before, tuloy- tuloy eh, pero ang Cam Norte naman hindi violator eh, in fact ilang piraso pa lang natitiempuhan may sticker eh ipatanggal natin.”