Magbubukas ang ilan pang mga pampublikong eskwelahan sa Zambales para sa in-person classes.
Ito ay bahagi ng Progressive Expansion of Limited Face-to-Face ng Kagawaran ng Edukasyon.
Ayon kay Deped Zambales Asst. Schools Division Superintendent Michelle Mejica, sa Lunes, February 21 ay magbubukas ang dalawang paaralan sa Batiawan, Subic.
Mula umano sa nasabing petsa hanggang sa March 28 ay inaasahang magbubukas para sa in-person classes ang lahat ng mga paaralan sa Zambales.
Nakadepende na lamang kung anong grade ang papayagang pumasok sa mga paaralan sa lalawigan.
Samantala, maliban sa mga dating panuntunan na dapat ay may pagpayag ang LGU, walang kaso ng covid-19 ang lugar at parental consent bago mapayagan sa pagbabalik paaralan, ngayon ay requirement na rin umano na fully vaccinated ang gurong lalahok.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Deped Tayo Zambales
