Housing czar tiniyak na walang sub-standard sa pabahay ng Duterte admin

Tiniyak ni Department of Human Settlements and Urban Development Sec. Eduardo del Rosario na walang sub-standard na mga pabahay ang ginawa sa panahon ng Duterte Administration.

Sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte ito umano ang isa mga naging commitment ng housing sector.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Ayon kay del Rosario mula sa June 2016 hangang June 2021aabot na sa 1,076,277 housing units ang nagawa at napondohan ng gobyerno mul sa target na 1.2-million hangang sa 2022.

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Aminado naman ang kalihim na malaking hamon sa kanila ang nasa 3.7 pang mga informal settlers dahil sa kakulangan ng budget.

Kailangan ng P1.85-trillion na pondo para matugunan ang problema sa pabahay ng milyon-milyong informal settlers.