Bawat Pilipino may utang na P106,000 dahil sa national debt – IBON

Patuloy ang paglubo ng utang ng Pilipinas na ngayon ay umabot na sa P11.6-trillion.

Ayon kay IBON Foundation – Executive Director Sonny Africa katumbas ng mahigit P106,000 na utang ng bawat Pilipino.

Read More:  NBI says it has information on Sen. Bato dela Rosa’s location

Kung hahatiin naman umano ang utang na ito sa bawat pamilya, aabot ito ng P470,000 kada pamilya.

Nilinaw naman ni Africa na wala naman problema kung umuutang ang bansa basta’t ito ay napupunta sa mga makabuluhang proyekto na napapakinabangan ng taumbayan at hindi napupunta sa kurapsiyon.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Naniniwala naman si Africa na kailangan ng pagbabago sa sistema ng pagbubuwis lalo’t maraming mga may kapasidad na magbayad ng buwis ang ang hindi umano nasisingil ng maayos.