House-to-house vaccination kontra COVID-19 ikakasa ng NTF

Naniniwala si National Task Force COVID-19 Chief Implementer Se. Carlito Galvez Jr. na kailangan nang gumawa ng hakbang ang pamahalaan para maabot ang target na 90-million Filipinos na fully vaccinated pagsapit ng Mayo 2022.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Ayon kay Galvez kumbinsido siyang naabot na ang saturation point sa mga vaccination center kaya kailangan nang bumisita sa mga barangay at magbahay-bahay para magbakuna.

Sa pamamagitan nito kumpiyansa ang kalihim na tataas ang daily output sa pagbabakuna.

Read More:  NBI gets new leads on Bato Dela Rosa, continues search for Bantag

Pagtutuonan din umano ng pansin ng gobyerno ang 3 million seniors at mga taong may comorbidities na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Inihayag ni Galvez na sa 90-million na target, 62.5 milyong Pilipino pa lamang ang mga fully vaccinated.