Palawan, kabilang sa mga may mataas na presyo ng petrolyo.

Nanatiling kasama ang lalawigan ng Palawan sa may mataas na presyo ng petrolyo sa bansa.

Ayon kay Director Rino Abad ng DOE-Oil Industry Management Bureau, binigyang diin nito na walang nangyayaring manipulasyon sa Palawan sa mga oil company kaugnay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng prodiuktong petrolyo.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Umaabot sa 121 oil company ang mayroon sa lalawigan at magkakaiba ang mga may-ari nito kaya malabong mangyari na magkaroon ng iisang pagkontrol dito.

Hanggang ngayon hindi pa rin masolusyunan ang usapin na kung bakit malaki ang ipinapatong na tubo ng mga gasolinahan gayong mayroon naman 9 oil depot ang Palawan kaya dapat hindi na umano magiging mabigat ang magagastos ng mga kumpanya ng langis sa pagtransport nito sa lungsod at sa mga munisipyo.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sinabi ni Abad, kinakailangan mapakiusapan ng mga nasa LGU ang mga oil company para bawasan ang presyo ng petrolyo na hindi gaano mabigat para sa mga konsyumer.