Pinayuhan ng isang ranking solon na well- versed sa “budgeting” ang mga Pilipinas na higpitan ang kanilang sinturon sa mga susunod na buwan sa gitna ng inilarawan nitong “turbulent economic times”.
Ayon kay House Deputy Speaker and Davao City 3rd district Rep. Isidro Ungab, nakikita nila ang mas mahirap na sitwasyon sa mga susunod na buwan, at nasa tao na kung ligtas na dadaanan ito at makakaahon o tutuloy na hindi handa at susuko na malakas na financial distress, na nararansan sa buong mundo.
Si Ungab ay dating chairman ng House Committee on Appropriations, ang panel na humahawak sa mga deliberasyon para sa National Expenditure Program (NEP), na kalauna’y nagiging General Appropriations Act (GAA) o national budget.

Giit ni Ungab, kailangang maging wais ang mga Pilipino sa pagplano sa kanilang budget, income at gastos para sa mga susunod na buwan.
Dagdag ng Midnanao congressma na haharapin ng bansa ang worldwide increase sa inflation rate, tumataas na presyo ng langis, kaambang food shortage, prolonged Russia-Ukraine War, at isa pang posibleng pagtaas sa mga kaso ng Covid-19. //MHEL PACIA