Papayagan umano ang mga protest actions sa inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte sa June 19.
Pero ayon kay city police spokesperson Major Maria Teresita Gaspan, kailangan munang kumuha ang mga grupo ng permit mula sa local government at kailangang tiyakin na ang kanilang aktibidad ay hindi makakaabala sa oath-taking rites at overall public safety,.
Sinabi ni Gaspan na ipapatupad nila ang maximum tolerance sa naturang makasaysayang araw para sa lungsod.

Si Duterte-Carpio ay manunumpa bilang ika 15 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, sa San Pedro Street, ang pinakalumang daan sa lungsod, kung saan inaasahang dadaluhan ito ng mahigit 20,000 katao. //MHEL PACIA