Duterte, humingi ng paumanhin re: Late realization sa ill effect ng e-sabong

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte dahil huli na umano nito napagtanto ang masamang epekto ng ng e-sabong o online cockfighting.

Giit ng pangulo, na ang moving factor umano doon na kanyang nakita ay ang P640 million kada buwan, at bilyon-bilyon sa isang taon, dahil sa dami ng mga nag-ooperate.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Dagdag ng pangulo, hindi niya akalain na ganun rin kalaki ang epekto.

Matatandaan na sa kabila ng mga panawagan na suspendihin ang naturang aktibidad dahil sa pagkawala ng ilang sabungero, ay hindi ito agad ginawa ni Duterte.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Natigil lang ang operasyon nang irekomenda ni Interior Secretary Eduardo Año, dahil sa social impact sa publiko, matapis ang ginawang survey. //MHEL PACIA