Pinagtibay ng Armed Forces of the Philippines at Indian Armed Forces ang kanilang defense cooperation.
Ito ay matapos ang pagpupulong ng mga opisyal ng dalawang panig sa Camp Aguinaldo.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang isinagawang 5th Joint Defense Cooperation Committee (JDCC) at 3rd Service-to-Service (STS) Meeting ay naging pagkakataon upang talakayin ang planong kolaborasyon ng dalawang bansa.
Napag-usapan din ang mga estratehiya kung paano matutugunan ang mga isyung panseguridad sa rehiyon, partikular na ang maritime security at freedom of navigation.
Samantala, layunin naman ng AFP at IAF na mapalakas ang kanilang “operational coordination” ukol sa joint exercises, training programs, at technology exchanges.