House: Cassy – ‘hindi nagpa-salon!

Nilinaw ng Kamara na wala itong inaprubahan na personal care services o pagpapaayos ng buhok ni Cassandra Li Ong.

Ito’y matapos punahin ng isang tanyag na direktor ang tila pagbabago sa ayos ng buhok ni Ong nang humarap ito sa pagdinig ng Senado patungkol sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Ayon kay House Sergeant-at-Arms retired Police Major General Napoleon Taas, walang hairdresser na bumisita kay Ong sa detention facility.

Tanging legal team at kaibigan aniya ang bumisita sa legal representative ng Lucky South 99 POGO Hub at sinasabing stakeholder ng Whirlwind Corporation upang dalhan siya ng damit at personal necessities.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Gayunman, nilinaw ni Taas na pinapayagan naman ng Kamara ang personal care services gaya ng pagpapagupit ngunit hindi humiling si Ong.

Para makapagpaayos ng buhok ay kailangang magpaalam ang nakakulong sa komite na may hurisdiksyon.