Hospital Bed Utilization Rate sa JLGMH, malabong maging dahilan para isailalim sa mas mahigpit na alert level ang Olongapo

Malabong isailalim sa alert level 4 ang lungsod ng Olongapo kung ang pagbabasehan ay ang dami ng pasyente sa ospital na may corona virus disease.

Ito ay dahil tanging ang mga pasyenteng kailangang i-dialysis, mga buntis na pawang mga may mild symptoms lang ang dumadaan sa pangangalaga ng James Gordon Memorial Hospital na ang karamihan ay nakahome-quarantine.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ayon kay Hospital Chief Dr. Jewel Manuel, napasama din sa bilang ng mga covid-19 positive ay ang mga staff ng ospital pero hindi naidagdag sa mga pasyenteng kinailangang gumamit ng pasilidad o kwarto sa ospital.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Matatandaan, una nang sinabi ni Mayor Lenj Paulino na minsan nang naging kandidato ang Olongapo sa mas mahigpit na alert level dahil sa pagtaas ng covid-19 cases sa lungsod.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of drink, food and text