Home Care Service Program para sa mga COVID patient, inilunsad sa Pampanga

Inilunsad sa lalawigan ng Pampanga ang Home Care Service Program o HSCP para sa mga Covid-19 patients na naghihintay ng kanilang admission sa mga pribadong ospital.

Sa ilalim ng Home Care Service, susuriin muna sa hospital ang pasyente, at kung kaya ng kanyang kondisyon pauuwiin ito sa kanilang bahay at doon gagamutin habang nag aantay na magka-bakante sa hospital.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Kinakailangan lang na may sapat na espasyo ang Covid-19 patients sa kanilang tahanan habang ito ay sumasailalim sa quarantine.

Sa ngayon mayroon nang syam na pribadong ospital sa Pampanga na katuwang ng Provincial government para sa pagpapatupad ng naturang programa.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Ayon kay Governor Dennis “Delta” Pineda, ipinatupad ang Home Care Service dahil nasa critical level at high risk na ang mga Covid-19 hospital sa lalawigan.

Samantala una rin ang Pampanga sa buong bansa na magpapatupad nito.