13 empleyado ng prov’l agriculture office ng SoCot, nagpositibo sa Covid-19

KORONADAL CITY – NAKA-isolate na ang 13 empleyado ng Provincial Agriculture Office ng South Cotabato makaraang magpositibo sa Covid-19.

Pawang nakitaan aniya ng sintomas ang mga nagpositibong empleyado.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal, inihayag ni Provincial Agriculturist Dr. Raul Teves na pawang nagpositibo sa virus ang 13 sa 15 empleyado na isinailalim sa swab test.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Dahil dito, isang linggo na sarado ang naturang tanggapan para sa disinfection.

Balik sa operasyon ang nasabing opisina sa Mayo 11, 2021.