Hiling na MOA sa pagitan ng LGU Basud at DICT para sa implementation ng Electronic Business Permits and Licensing System aprub sa SB

CAMARINES NORTE- Suportado ng Sangguniang Bayan ang hiling ng Alkalde na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng LGU Basud at Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa implementasyon ng Integrated Business Permits and Licensing System (iBPLS).

Noong nakaraang linggo ay inaprobahan ng konseho ang hiling ng Local Chief Executive na pumasok sa isang kasunduan sa DICT na malaki umano ang maitutulong sa Lokal na Pamahalaan.

Sa ilalim ng kasunduan ay mayroong gagastusin ang LGU para sa proseso ng paghahanda ng Business Permit Module sa computerization ng business permits at licensing system.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kabilang dito ang mga gagawing trainings at iba pang paghahanda.

Ayon sa konseho mayroon namang budget para dito ang LGU at hindi naman malaki ang gagastusin.

Dati nang hinimok ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang mga LGU na i- adopt ang iBPLS, ang software na denivelop ng DICT na makakatulong sa una para mas mapadali ang application ng mga permits ng kanilang constituents.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Layunin nito na mas mapabilis at maging sistematiko ang proseso ng pag-apply ng mga business permits at licenses.

Automatiko nitong ipoproseso ang business  permit application, assessment, collection at release and report generation.

Para magamit ang iBPLS, kailangang magsumite ang LGU ng Letter of Intent at pumasok sa MOA sa DICT.