Denmark pinayagan nang hindi magsuot ng facemask ang mga residente

Tuluyan nang ibinasura ng Denmark ang pagsusuot ng facemask at health passes simula Pebrero 1.

Dahil dito, ang Denmark ang kauna-unahang European Union country na nag-alis ng lahat ng domestic COVID-19 curbs sa kabila ng mga naitatalang kaso ng mas mild na Omicron variant.

Kaugnay nito, ilang restrictions na lang ang nananatili sa Denmark para sa mga unvaccinated travelers na dumadating sa non-Schengen countries.

Unang tinangka ng Denmark na alisin ang lahat ng restrictions sa pagitan ng Setyembre at Nobyembre.

Ikinatuwa naman ng marami ang pagpapaluwag ng restrictions sa nasabing bansa.