Hiling na karagdagang 10k doses ng COVID-19 vaccine dumating sa Albay kahapon

BICOL—Dagdag na 10,000 doses ng COVID-19 vaccine amng dumating sa Legazpi City Airport kahapon mula sa Metro Manila.

Ang mga bakunang ito ay bilang tugon sa kahilingan ni Gobernador Al Francis Bichara sa dagdag na mga bakuna dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Kaugnay nito ay pinasalamatan ni Rep. Zaldy Co sina Presidente Rodrigo Duterte, Sen. Bong Go at ang DOH sa hindi pagpapabaya sa Bicol region.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nais kasi ni Governor Bichara na mapabilis ang vaccination rollout sa Albay upang mapigilan ang patuloy pang paglaganap ng nakakamatay na sakit.

Ang mga nasabing bakuna ay nakalaan para sa mga nasa A1 hanggang A4 priority groups.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Base sa vaccination rollout update ng DOH Bicol, ang Albay ay nakatanggap nan g kabuuang 70,772 doses ng bakuna. 91% na ang naiturok para sa first dose at 61% sa second dose.### || SLM