Higit sa 200 residente ng Lemery, Batangas – sapilitang pinalikas

Nailikas na ang higit 200 na mga residente sa Lemery, Batangas mula sa malalakas na alon na umabot na sa mga tirahan sa bahagi ng Brgy. Maguihan, Lemery, Batangas dahil sa Bagyong Carina.

Ito ay sa pagtutulungan ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Lemery, Municipal Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ng Lemery, at ng iba pang ahensya.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Batay sa Coast Guard District Southern Tagalog, malalakas na alon na umaabot na sa mga residente ang naidulot ng Hanging Habagat na pinalakas pa ng Bagyong Carina.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Matagumpay na nadala ang mga residente sa Municipal Covered Court ng Lemery, at nabigyan na rin ang mga ito ng tulong at atensyon mula sa MSWD.