Mga isolated area, dapat i-priority sa bibigyan ng tulong – Pangulong Marcos

Kuntento si Pangulong Bongbong Marcos sa ginagawang aksyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa epekto ng bagyong Carina at hanging Habagat.

Sa ambush interview kanina, kabilang sa direktiba ng Pangulo sa mga ahensya ng gobyerno na mag focus sa mga area na mahirap pasukin.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Ipinunto ng Pangulo na dapat unahing ilikas at hatiran ng tulong ang mga nasa isolated area dahil posible raw na ilang araw nang walang kain ang mga residente na hindi makalabas sa kanilang lugar.

Pinamamadali rin ng Pangulo sa DPWH ang pag kumpuni at clearing sa mga daan at tulay na hindi madaanan ng mga motorista.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Sa datos ng DSWD, pumalo na sa mahigit 45 thousand families ang apektado ng bagyong Carina at Habagat mula sa 225 na mga barangay sa NCR, regions 1,2,3, CALABARZON, MIMAROPA, regions 5,6,7 at CAR.