Higit 90 volcanic earthquakes – naitala ng PHIVOLCS sa Mt. Kanlaon

Nakagtala ang PHIVOLCS ng bahagyang pagtaas sa aktibidad ng Bulkang Kanlaon.

Sa datos, nakapagtala ang bulkan ng kabuoang 90 volcanic earthquakes mula ala-3 ng hapon kahapon, hanggang ala-12 ng tanghali ngayong araw.

Read More:  ‘Sigabo’ production attends MTRCB compliance seminar

Nakapagbuga rin ito ng nasa 3,254 tonnes/day ng sulfur dioxide kahapon.

Nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang bulkan.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Ibig sabihin, nasa unrest state pa rin ito at posible pa ring pumutok.

Abiso ng ahensya sa publiko – maging mapagmatiyag, at iwasan ang pagpasok sa 4 kilometer-radius Permannent Danger Zone.