Pinuna ni Senate Committee on Accounts, Chairperson, Senador Alan Cayetano ang naging report ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isinagawang pagdinig ngayong araw.
Ito ay matapos lumabas na umabot na sa 852 araw ang na-delay sa kontruksyon ng New Senate Building sa Taguig City.
Base sa operation heads at engineers ng New Senate Building, ang delay na ito ay nagmula sa mga revisions at variations sa plano sa gusali.
Ngunit ayon kay Cayetano, posibleng naiwasan ito kung nagkaroon ng pag-uusap ang constructor at Senado bago ang Detailed Architectural and Engineering Design (DAED).
Samantala, napag-alaman din ng senador na wala pang nakatakdang completion date sa pagtatapos ng gusali sa kabila ng ongoing process ng Phase 1 at Phase 2.