AFP, tiwalang malaki ang magiging pakinabang ng PH sakaling maselyuhan ang Reciprocal Access Agreement sa Japan

Ituturing na “very historic activity” ng Armed Forces of the Philippines sandaling maselyuhan na ng Pilipinas ang Reciprocal Access Agreement sa Japan.

Ito ang sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad kasunod ng napipintong paglagda ng dalawang bansa sa nasabing kasunduan na posibleng mangyari ngayong buwan.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon sa West Philippine Sea, sinabi ni Trinidad na nauunawaan na ng International community ang kahalagahan ng nagkakaisang pagtindig nito sa rules-based international order mula sa mga nagtatangkang wasakin ito.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Giit pa niya, ang pagigiit sa karapatan ng teritoryo ay hindi lamang laban ng Pilipinas kundi maging ng iba pang mga bansa dahil kailangang manaig ang international law.