Higit 740K health workers nakinabang na mula sa P10.85B na SRA

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nagpalabas sila ng pondo para sa allowance at benepisyo ng mga healthcare workers sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, gumastos umano ang ahensya ng P10.85 bilyon para sa special risk allowance (SRA) kung saan mahigit 740,000 na mga health workers ang nakinabang dito.

Read More:  Prosecution panel plans to present Trillanes as next witness

Ang nasabing pondo ay naibigay ng DOH simula noong March 2020 hanggang June 2021.

Bukod pa dito, mayroon din anilang P4.24 billion na naipalabas ang DOH para naman sa hazard pay ng mga medical workers.

Read More:  Missing PNP-CIDG documents delay Padilla counter-affidavit

Giit ni Vega, pinoproseso ang SRA sa mga regional offices ng DOH at kailangan ng mga medical workers ng kumpletong requirements upang makuha ang nasabing benepisyo. // MHEL PACIA-TRINIDAD