Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na imbestigahan ang nakarating sa kanyang report na may mga pribadong inbidwal ang nagbebenta umano ng COVID-19 vaccines.
Sa kanyang public briefing kagabi sinabi ng Pangulo na bagama’t hindi pa validated ang naturang ulat pinatitiyak nito kay Galvez na lahat ng bakuna binili man ito donasyon ay dapat hawak ng pamahalaan.
Pinayuhan din ni Pangulong Duterte is Galvez na makipag-uganayan sa iba pang mga ahensiya.
Bilang tugon sinabi ng kalihim makikipag-uganyan siya sa National Bureau of Investigation at Food and Drug Administration para siyasatin ang naturang isyu. // MHEL PACIA-TRINIDAD
