Hindi na umabot pa sa ospital ang 46-anyos na retiradong pulis matapos na pagbabarilin sa Taytay, Rizal.
Sa inisyal na imbestigasyon, binabantayan ng biktima ang kanyang tindahan nang biglang dumating dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.
Tinutukan ng mga suspek ng baril ang biktima at nagdeklara ng hold up.
Pumalag ang biktima at kumuha ng kutsilyo at nanlaban sa mga suspek.
Agad naman pinaputukan ng mga suspek ang biktima at nagtamo ito ng dalawang tama ng bala sa kanyang katawan.
Mabilis na nakatakas ang mga suspek na tinutugis na ngayon ng mga awtoridad.