Higit 45K Sorsoganon fully vaccinated na

SORSOGON CITY – Nasa 48, 115 na Sorsoganon ang fully vaccinated na kontra sa Covid-19, mahigit apat na buwan makaraang umpisahan ang vaccination program ng lalawigan noong Marso nitong taon.

Sa datos na ipinalabas ng Sorsogon Provincial Health Office, sa naturang bilang, 16, 718 ang bakunado na gamit ang Sinovac; 3, 894 naman sa Astrazeneca habang may kabuuang 27, 503 ang naturukan ng bakunang Janssen.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Nasa kabuuang 34, 410 naman ang nabakunahan na ng kanilang 1st dose kung saan 26, 353 dito ang naturukan ng Sinovac; 7, 872 sa Astrazeneca habang 185 naman ang nabakunahan gamit ang kararating pa lang sa lalawigan na Moderna vaccine.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Sa kabuuan, nasa 82, 525 na ang indibidwal na naturukan ng bakuna kapag isinama ang 34, 410 na partially vaccinated.

Sa kabila nito, patuloy ang panawagan ng mga opisyal ng kalusugan sa mga Sorsognanon na magpalista na sa sa kani-kanilang lokal na pamahalaan para makatiyak na kabilang sila sa mga babakunahan pagdating ng mga bakuna.