Hindi na papayagan ng lokal na pamahalaan ang home quarantine sa bayan ng Masinloc, Zambales.
Dadalhin agad sa municipal isolation facilities ang sinumang magpopo
Ito ay upang maprotektahan ang iba pang kasamahan sa bahay ng indibidwal at mapigilan ang pagkakalat ng covid-19.
Ito ay base sa executive order number 19 ng lokal na pamahalaan kun saan kabilang rin ang mga biyaherong nais makapasok sa bayan sa pamamagitan ng border control checkpoint sa barangay San Lorenzo o sa dulo ng bayan sa Barangay Taltal ay agad isasalang sa rapid antigen test at kung mag-positibo agad dadalhin sa municipal isolation facilty.
Kaugnay pa rin nito ang mga indibidwal naman na may edad 15 hanggang 65 ay kinakailangang importante o essential ang lakad sa mga karatig munisipyo upang payagang makalabas.//Russell Banawa-BNFM IBA
Photo for Illustration Purposes Only
