Higit 300 aplikante nakiisa Job Fair kaugnay ng 76th Charter Anniversary ng Naga City at 126th Philippine Independence Day

CAMARINES SUR – Mahigit 300 mga aplikante ang sinamantala at nakiisa sa Job Fair kaugnay ng 76th Charter Anniversary ng Naga City at 126th Philippine Independence Day na nasa 7, 148 na trabaho ang binuksan ngayon para sa lahat, sa pangunguna ng Metro Naga Public Employment Service Office, Naga City Government in partnership ng SM City Naga.

952 ang Local Vacancies, 29 na employer; sa Overseas Vacancies 1,182, 4 na Placement Agencies; sa National Government Agencies, 4, 829 sa Philippine Army; sa PSA, 185 ang trabahong binuksan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Isa si Arnel Noora, 19 taong gulang, mula sa Barangay Beberon, San Fernando, Camarines Sur, isang aspirant soldier ang sinamantala ang pagkakataon lalo na’t pangarap niya na maging sundalo, at layuning makatulong, maglingkod at maipaglaban ang bansang Pilipinas na sa tingin niya matutupad niya ang pangarap niya.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa panayam naman kay The Surgeon General Regil Cesan, Recruitment Non-Commissioned Officer, Philippine Army Bicol, bagamat kada taon nagkakaroon ng recruitment sa pagkasundalo, ngayong Araw ng Kalayaan, sinamantala rin nilang mapasama sa aktibidad, na isa sa mga hinahanap sa mga aspirant soldier, dapat physically fit, at mentally stable, lalo na’t kailangang maipasa muna ang examination na mangyayari ngayong Agosto.