Umabot na sa 29,127,240 ang kabuuang doses ng bakuna kontra covid-19 ang naiturok o na-administered na sa buong bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nasa 98.49 percent na ng mga A1 o mga healthcare workers ang nakatanggap ng first dose habang nasa 94.72 percent naman ang nakakumpleto na ng bakuna.
Dahil naman sa pagdating ng single dose na bakuna ng Johnson&Johnson, umabot sa 3.77 million na mga senior citizens ang fully vaccinated na kung saan mas mataas kumpara sa mga nakatanggap ng first dose pa lamang na nasa 3.2 million.
Sa hanay naman ng A3 o mga persons with comorbidities, umabot na sa 4.8 million ang nakakumpleto na ng bakuna dahil pa rin sa Janssen.
Aminado naman si Usec. Cabotaje na dahil sa limitadong suplay kaya’t mabagal ang bakunahan sa bansa. // MHEL PACIA-TRINIDAD
