City-vet isinalarawan kung paano kumikilos ang rabies virus sa katawan ng aso

SORSOGON CITY – ‘’Mabagal.’’

Ganito isinalarawan ni Sorsogon City Veterinary Office head Dr. Alexander Destura kung paano kumikilos ang rabies virus.

Ayon sa opisyal, mula sa mismong sugat ay dahan-dahan ang nasabing virus na naglalakbay sa katawan ng aso sa pamamagitan ng mga nerves patungo sa spinal cord hanggang sa makarating sa utak.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Mula sa utak ay muli itong maglalakbay patungo sa iba pang mga nerves hanggang sa salivary gland at sa laway kung saan dito na ito magko-concentrate.

Dagdag pa ng opisyal, pinakadelikadong sitwasyon ay kapag nakarating na ang virus sa utak dahil makokonsidera na itong fatal kung saan sa loob ng 10 araw ay maaari nang mamatay ang aso.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Una rito, sinabi ng opisyal na kapag nakarating na sa utak ng aso ang virus ay asahan na umano ang mga pagbabago sa ugali at kilos nito, senyales na ang nasabing hayop ay mayroong rabies.