Lalaki, sinaksak dahil umano sa selos.

Sugatan ang isang Victor Villarosa 49 anyos matapos masaksak ng suspek na si Freddie Tico Decena 37 anyos ganap na alas-onse kagabi, ika-18 ng Agosto sa Purok 5 Brgy. Bato-bato Narra, Palawan.

Ayon sa Narra PNP, bago naganap ang pananaksak ay mayroon di umano relasyon ang asawa ng biktima sa suspek at tuwing magkikita umano ang dalawa ay lagi silang nag-aaway.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Ayon pa sa imbestigasyon, sa lugar ay nagkita kagabi ang suspek at biktima sa birthday party kung saan naganap ang kanilang pagtatalo at suntokan hanggang sa nasaksak na ng suspek gamit ang kutsilyo si Victor sa kaliwang dibdib at tiyan.

Read More:  Cebu City landslide kills three, leaves one survivor as 212 residents are affected

Tumakas ang suspek habang naiwang nakabulagta at dugoan ang biktima na isinugod sa Narra District Hospital.

Hindi na narekober ang patalim na ginamit sa pananaksak.