BJMP, nagtala ng record ng maraming nakapasang bagong abogado

Masayang inanunsyo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na 36 sa kanilang mga personnel ang nakapasa sa Bar Examinations, na siyang pinakamataas na bilang ng mga bagong abogado sa kasaysayan ng kanilang ahensya.

Ayon sa BJMP, mayroon silang passing rate na 53.73% na nakuha mula sa record-high na 67 katao na kumuha ng 2020-21 Bar exams.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Matatandaan na ang huling record ay noon pang 2016 kung saan sa 64 na mga bar takers, 16 lang ang mga nakapasa o katumbas na passing rate na 25%.

Binati naman ni BJMP Chief Jail Director Allan Iral ang mga successful examinees, at umaasang ang mga ito ay makakatulong na magbigay ng mabilis na hustisya, lalo na sa mga hindi kayang magbayad para sa legal services.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ang 36 na mga bagong abogado ay nakatakdang manumpa sa May 2 at opisyal na maidadagdag sa listahan ng 58 iba pang BJMP lawyers. //MHEL PACIA-TRINIDAD