Higit 1,300 iskolar sa Sorsogon State University, naitala

SORSOGON CITY – Nakapagtala ng mahigit 1,300 iskolar ang Sorsogon State University sa apat na campus nito sa lalawigan ng Sorsogon.

Nagmula ang datos sa 2020 hangang 2021 Assessment Year, kung saan Sorsogon City campus ang may pinakamaraming nabigyan ng asistensya.

May higit 250 naman sa bayan ng Bulan, sinundan ito ng Castilla at Magallanes na may tig-180 at 100 beneficiaries.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nagmula sa pagsasabatas ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017 ang pagbubukas ng state universities at colleges ng scholarship sa mga kwalipikadong mag-aaral.

Mayroong apat na klaseng asistensya ang maaaring matanggap sa ilalim nito. Una na rito ang tuition subsidy sa kolehiyo, pangalawa ang student loan program, pangatlo ang free tuition sa college at panghuli ang free tuition sa technical and vocational course.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sinabi naman ni Commission on Higher Education Chair, Prospero de Vera na ang mga kwento ng tagumpay ng mga mag-aaral sa tertiary education ay patunay na tagumpay din ng programa ng gobyerno.

Paniniguro naman ng unibersidad na patuloy silang magbibigay ng de kalidad na serbisyo at edukasyon sa lahat ng stakeholders.