Nadagdagan pa ang mga bayan sa lalawigan ng Isabela ang wala ng aktibong kaso ng COVID-19 habang patuloy na bumababa ang bilang ng mga tinatamaan ng virus.
Batay sa pinakahuling datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, sampong mga bayan na ang zero active case kabilang na rito ang Aurora, Benito Soliven, Cabagan, Dinapigue, Divilacan, Gamu, Quezon, Quirino, San Guillermo at Sto. Tomas.
Apat lamang ang naitalang bagong kaso habang 26 ang naidagdag sa talaan ng mga gumaling at zero naman ang casualty.
Kaugnay nito bumulusok din sa 94 ang kabuoang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong probinsya.