Higit 10,000 na indibidwal sa Cauayan City, fully vaccinated na

Umabot na sa 10, 924 na indibidwal sa Lunsod ng Cauayan na kabilang sa priority list group A1, A2 at A3 ang fully vaccinated.

Inihayag ni Cauayan City Mayor Bernard Dy sa kaniyang public address ngayong araw na mula sa nasabing bilang 8,306 dito ang mula sa población region habang 2, 618 naman ang galing sa east tabacal at forest region.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa ngayon aniya ay top priority ng Cauayan City Health Office na mabakunahan ang mga senior citizen dahil malayo pa umano sa target ang nababakunahang kabilang sa group A2.

Inihayag din ng alkalde na ito ang dahilan kaya’t hindi pa nasisimulan ang pagbabakuna sa A4 o mga economic frontliners.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Hinikayat naman niya ang mga gustong magpabakuna particular ang mga senior citizen na makipag-ugnayan lamang sa kanilang mga BHERTs o mag register online sa http://cityofcauayan.gov.ph/covac.htm at hintayin lamang ang tawag para sa schedule ng vaccination.

Ayon pa sa alkalde, ang mga vaccination sites sa lunsod ay nasa SM, Villa Luna, Rizal, Nungnungan at Sillawit.