Higit 100 mm bagsak ng ulan posibleng maranasan bukas sa Bicol Region; Mga bahaing ligar sa Naga City dapat maghanda sa bagyong Aghon – Naga CDRRMO

CAMARINES SUR – Inaasahan at posibleng maranasan bukas, araw ng Sabado, ang higit 100 millimeters rainfall o bagsak ng ulan ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration, dulot ng Bagyong Aghon sa Bicol Region, lalo na sa Camarines Sur.

Kung saan itinaas na rin ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang Blue Alert Status bilang paghahanda ng lahat ng PDRRMC, DRRMC at iba pang opisina.

Sa panayam kay Ernesto Elcamel, Naga City Disaster Risk Reduction and Management Officer, kahit na hindi direktang nakatutok ang bagyo sa rehiyon, panawagan at paki-usap nito sa mga barangay, lalo na sa mga opisyal na maging aktibo at handa lalo na ang mga barangay na nasa Bicol at Naga River, kagaya ng Sabang, Mabulo, Triangulo, dahil malaki ang posibilidad ng pagtaas ng tubig na magdudulot ng pagbabaha, lalo na ngayon mahirap mamonitor sa ibang bayan ang magiging lebel ng tubig matapos na hindi na gumana ang mga rain gauge o monitor sa ulan.

Ayon pa opisyal, bagamat may 10 mga automated early warning devices na nagmomonitor ng ulan at tubig baha na naka-install na sa ilang lugar sa lungsod tulad sa Barangay Calaug at Concepcion Pequeña, at naayos na rin ang ilang drainage canal, mahalaga pa rin ang maagang paghahanda bilang pag-iingat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *