Isasalang na sa prelimnary investigation ngayong araw ang dalawang PNP SAF troopers na sangkot sa moonlighting matapos matuklasang nagbibigay ang proteksyon sa isang chinese national na naninirahan sa isang exclusive village sa Muntinlipa City.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo , ngayong ala una ng hapon isasagawa ang prelimenary investigation sa Muntinlupa City Prosecutors office.
Sinabi pa ni Col. Fajardo na siyam sa apat na PNP SAF commando na dawit sa isyu ng moonlighting ang narito na sa Metro Manila habang lima sa mga ito ang kasalukuyan pang bumabyahe patungo rito mula sa Zamboanga City.
Nauna nang nirelieved sa pwesto ang 9 kabilang ang Batallion commander ng 2 PNP SAF , company commander, at platoon leader.