Target ni Senator Alan Peter Cayetano na magsagawa ng “high-level” meeting kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) upang mapabilis ang konstruksyon ng New Senate Building (NSB).
Ito ay sa gitna ng budget briefing ng Senate Committee on Finance para sa proposed 2025 budget ng DPWH.
Kasabay nito, hinimok ni Cayetano si Secretary Manuel Bonoan at ang ilang opisyal na magkaroon ng high-level-meeting upang malinawan sa timeline at halaga ng magagastos sa proyekto.
Nagbabala rin ito na anumang delay ay magiging sisi sa kanila ni Senate President (SP) Francis Escudero.
Sa huli, mariing sinabi ni Cayetano na kailangang matapos ang proyekto.