NIA, magiging attached agency na ng Office of the President

Magiging attached agency na ng Office of the President ang National Irrigation Administration.

Ito’y matapos maglabas ng Executive Order No. 69 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan inililipat nito sa pangangasiwa ng OP ang NIA mula sa Department of Agriculture.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Nabatid na layunin nitong mapaigting pa ang mga hakbang na may kinalaman sa irrigation management at development at maging ang mga hakbang upang matamo ang food security at matiyak ang infrastructure development.

Batay pa rin sa EO na pirmado ni Executive Sec. Lucas Bersamin, inatasan ang Governance Commission for GOCCs na pag-aralan ang reorganisation ng NIA Board of Directors.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Bukod dito, magiging bahagi naman ng NIA Board ang isang kinatawan mula sa OP, administrator ng NIA, kinatawan mula sa pribadong sektor na itinalaga ng Pangulo, at maging ang mga kalihim ng DPWH, DA, at NEDA.