Sinibak sa pwesto ni PNP-Chief Gen. Rodolfo Azurin si Lt. Col Patrick Ramillano ang hepe ng Custodial Security Unit sa ilalim ng Headquarters Support Service.
Sa press conference sa Camp Crame sinabi ni Azurin na ito ay upang bigyan-daan ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring hostage taking at tangkang pagtakas ng mga detenido sa PNP- custodial center kahapon.
Ayon sa PNP-chief aalamin sa naturang imbestigasyon ang posibleng pananagutan o administrative liabillity ng naturang opisyal pati na ang mga gwardiya na nagbabantay sa mga detainees.
Sa ngayon pansamantala munang hininto ng PNP-Custodial center ang pagtanggap ng mga dalaw sa mga nakakulong sa naturang pasilidad.
Sinabi din ni Azurin na pinag-iisipan din nila baguhin ang ilang sistema ng pagpapakain pati na ang pagtanggap ng mga bisita ng detenido.
