Mga barangay na pinagbawalang pumasok sa 6 km danger zone ng Bulkang Mayon, pinangalanan ng PDRRMC

LEGAZPI CITY – Nagbaba ng utos ang Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRMMC) upang maiwasan ang sakuna kasunod ng pagtaas ng alert level status ng bulkang Mayon.

Dahil dito, pinangalanan ng PDRRMC ang ilang mga barangay sa limang bayan at tatlong lungsod sa lalawigan na pinagbawalang pumasok sa loob ng 6 km permanent danger zone.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Kabilang dito ang Brgy. Lidong sa bayan ng Sto. Domingo; Bañadero, Matnog, Salvacion, Miisi at Malobago sa Daraga; Upper Quirangay, Tumpa, Sua, Anoling at Tinubran sa Camalig; Maninila, Muladbucad Grande/Pequeña at Tandarora sa Guinobatan; Canaway, Calbayog at Upper San Roque sa Malilipot; Padang, Buyoan, Matanag, Bońga at Mabinit sa Legazpi; Magapo, Buang at Buhian sa Tabaco; at Baligang at Amtic sa Ligao City.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ipinagbabawal din ang mga mountain climbers, orchid pickers, hiking, camping at ibang related recreational activities na malapit sa bulkan.

Inabisuhan na rin ang mga local DRRMO ng mga nasabing bayan at lungsod na maging handa sa paglilikas ng mga apektadong residente sakaling itaas ito sa alert level 3.