Heat, wagi kontra Jazz; 118-115

Nagwagi ang host na Miami Heat kontra Utah Jazz sa kanilang laro na nagtapos sa 118-115.

Nanguna sa Heat si Tyler Herro na may 29 points habang sinundan naman ito ni Jimmy Butler na may 27 points.

Read More:  Alex Eala advances to Round of 16 in Hong Kong Open

Umiskor naman si Kyle Lowry ng 20 points bilang bahagi ng kaniyang triple-double para sa Miami.

Ito na ang ika-anim na panalo ng Miami sa kanilang huling pitong laro.

Read More:  Carl James Martin eyes world championship after defeating David Picasso

Dahil sa nasabing laro ay natigil ang three-game winning streak ng Jazz, sa kabila ng ambag ni Donovan Mitchell na 37 points, na pinakamataas para sa lahat ng scorers.