Itinuring ni Kris Aquino bilang first date nila ng fiancé nito na si dating Interior Secretary Mel Sarmiento ang kanilang pag-dine in sa isang fast food restaurant.
Sinabi ni Aquino sa Instagram post nito “it’s been YEARS since I’ve entered that particular brand and after the pandemic naaliw sa kin everyone with me especially Mel, because I said ang sarap maging normal, regular person,”
Gayunman, malayo sa normal ang kanilang mga kasuotan sapagkat naka-gown si Kris at naka-barong naman si Sarmiento habang naka-dine in sa fast food chain.
Naikwento ni Kris na nanggaling sila sa isang kasal kung saan ay nagsilbi siya bilang sponsor.
Inabot anya ng tatlong oras ang byahe nila pauwi kung kaya’t nagdesisyon sila na dumaan muna sa fast food chain para kumain.
