Heat stroke at iba pang sakit ngayong tag-init na makakaapekto sa kalusugan ng mga guro at estudyante binabantayan din RHU- Milaor

NAGA CITY–Minomonitor din ng mga personahe ng Milaor Rural Health Unit ang kalusugan ng mga guro at mga estudyante ngayong sobra ang init ng panahon.

Heat stroke at iba pang sakit na dala ng init ang posibleng maranasan ng mga ito sa oras na magsimula na ang regular na pasukan.

Sa kabila nito walang dapat na ikabahala ang mga magulang dahil may mga guro at estudyante ang tinuruan at nagsailalim sa training para sa first aide. Ang training ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council na ang head ay si Edwin Olitoquit.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Batay sa paliwanag sa Brigada News FM Naga ni Olitoquit, sinabing sila at ang RHU ay magkatulong na nagsagawa ng series of seminar at trainings sa apat na mga paaralan sa Milaor, elementarya man at sekundarya. Bukod diyan ay laging nakahanda naman ang ambulansya para agad na sumaklolo sa sinong makaramdam ng heat stroke.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon kay Olitoquit may plano na rin ang mga school head at principal para makaiwas sa heat stroke pati na rin ang kanilang mga estudyante, kung patuloy na lumala pa ang init ng panahon.